Presyo ng manok, bumaba – DTI

Manila, Philippines – Bumaba ng P45 hanggang P55 ang presyo ng manok sa farmgate.

Kaya ayon kay Department of Trade and Industry Sec. Ramon Lopez – dapat ay nasa pagitan na lang ng P100 hanggang P110 ang halaga ng kada kilo ng manok.

Mismong ang mga poultry raters na rin aniya ang nagsabing bagsak-presyo na ang mga live poultry products kaya dapat ay mababa na rin ang presyo nito sa mga palengke.


Nabatid kasi na sa ilang pamilihan, pumapatak pa rin ng P120 hanggang P140 ang bentahan ng kada kilo ng manok.

Dahil dito, makikipag-ugnayan ang DTI sa mga lokal na pamahalaan para paigtingin ang pagbabantay sa mga palengkeng kanilang nasasakupan.

Facebook Comments