Presyo ng manok, inaasahang bababa sa mga susunod na araw

Inaasang magmumura ang presyo ng manok sa mga susunod na araw.

 

Ayon kay Department Of Trade And Industry Sec. Ramon Lopez, dahil mataas ang presyo ng manok ngayon, marami ang magpapalaki na magreresulta ng pagdami ng suplay nito sa palengke.

 

Sa kasalukuyan nasa P160 hanggang P170 ang presyo ng kada kilo ng manok sa Mega Q Mart sa Quezon City.


 

Pero ayon sa DTI, dapat ay P150 lang ang halaga nito kada kilo dahil nasa P92 hanggang P100 lang ang farmgate price ng manok.

 

Tiniyak naman ng ahensya na mahigpit nilang mino-monitor ang price movement ng mga pangunahing bilihin sa bansa.

Facebook Comments