Pinuna ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga ilang palengke na nagbebenta ng mataas na presyo ng manok.
Ito’y matapos malaman sa ilang pamilihan ang nasa 190 hanggang 200 Peso kada kilong presyo ng manok.
Ayon kay Atty. Bong Inciong, Presidente ng United Broiler Raisers Association (UBRA), ang farm gate price lamang ng manok ay dapat nasa 112 Pesos kada Kilo at aabot lang sa 162 Pesos kung kasama na rito ang kita ng mga trader at retailer.
Giit ni DTI Sec. Ramon Lopez, masyadong mahal ang hanggang 200 Piso kada Kilo.
Payo ng kalihim sa mga mamimili, isumbong ang mga stall na nagbebenta ng ganitong ka-mahal na presyo ng manok upang masita ang mga ito.
Papadalhan ng show cause order ang mga retailer para pagpaliwanagin sa taas-presyo ng kanilang manok.