LTFRB, tumatanggap na ng application para sa special permits para sa SEA Games

26

Tumatanggap na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng applications para sa Special Permits ng mga point-to-point buses na pwedeng bumiyahe sa mga Venue ng nalalapit na 30th Southeast Asian Games.

Sakop nito ang 15 ruta na may drop-off point sa iba’t-ibang venues sa Tarlac, Subic, at Metro Manila.


Kapag naaprubahan, magiging valid ang Special Permit mula November 30 hanggang December 11.

Para makwalipika sa Special Permit, dapat magsumite ang operator sa Board ng Latest Registration o yung tinatawag na ‘OR & CR,’ updated personal passenger route, at kopya ng desisyon.

Ang Certificate of Public Convenience ng mga unit ay valid sa period sakop ang mga Special Permit.

Facebook Comments

From Advertisers