Kinumpirma ng United Broilers Raisers Association (UBRA) na bumaba na ang presyo ng manok sa mga poultry farm.
Ayon sa UBRA, ito ay dahil na rin sa matumal na bentahan at pagtaas ng suplay nito bunsod ng magandang performance ng mga manukan.
Bumaba na sa ₱20 ang presyo nito sa mga farmgate, kaya naman sa ngayon ay nalulugi na ang mga nag-aalaga.
Inihayag din ng UBRA na hindi sila sumasang-ayon sa paglalagay ng suggested retail price (SRP) dahil sa taas-baba na presyo nito.
Samantala, humihingi naman ng pag-unawa ang UBRA sa publiko dahil sa ngayon ay hindi pa rin bumabalik sa dating demand conditions ang naturang suplay ng manok lalo’t na malapit na ang pagpasok ng ber months.
Facebook Comments