Ilang mga dating opisyal ng Duterte administration, dumalaw sa burol ng dating Pangulong FVR

43

Magkasabay na dumating kanina sa Heritage Park sa Taguig City, sina dating Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo Año at dating Department of National Defense (DND) Chief Delfin Lorenzana para makiramay sa pamilya ng dating Pangulong Fidel V. Ramos (FVR).

Dumalaw rin sa burol ng dating pangulo si dating Presidential Adviser Jesus Dureza.

Si Dureza ay isa sa mga dating miyembro ng gabinete ni FVR.


Nagbigay rin ng huling respeto sa dating pangulo si dating Vice President Teofisto Guingona.

Alas-5:00 naman ngayong hapon nang simulan ang misa para kay dating Pangulong Ramos.

Bukas, inaasahan namang magbibigay ng huling respeto ang ilan pang opisyal ng gobyerno gayundin ang diplomatic corps at civil society groups.



Facebook Comments