Sampaloc, Maynila – Nagtapyas ng limang piso sa presyo kada kilo ng kanilang paninda ang mga tindera ng manok sa Trabajo Market sa Sampaloc, Maynila.
Ayon kay Edith Horca, ang dating 145 per kilo na benta nila ay ibinaba nila sa sa 140 pesos.
Ayon naman kay Edith Horca, sa kabila nito, matumal pa rin ang bentahan simula noong Sabado matapos lumabas na apektado ng Bird flu virus ang Lalawigan ng Pampanga.
Aniya, dati ay walang natitira sa kaniyang panindang manok sa pagsasara ng pamilihan. Pero, kahapon ,isang cooler ang tira niya sa maghapon.
Ayon naman kay Gil Briones, kahit anong paliwanag nila na galing ng Laguna,Cavite at Bulacan ang mga paninda nilang manok.
Bumaba naman ang timbang ng mga naangkat na manok mula sa 53 kilos o katumbas ng 25 pcs ay naging 43 kilos na lamang.
Umaasa ang mga vendors matapos agad ang banta ng bird flu virus para mabilis na makabalik sa normal ang sitwasyon sa pamilihan.