Presyo ng manok, tumaas sa ilang pamilihan

Tumaas ang presyo ng manok sa ilang pamilihan.

Sa Marikina Public Market, umakyat sa 190 pesos ang kada kilo ng manok, mas mataas ng 10 piso nitong mga nagdaang araw.

Ayon sa mga ilang tindera, mahal na nga ay mas maliit pa at kulang sa timbang ang mga manok na nakuha nila kaya nagbawas sila ng bilang ng ibebentang manok.


Paliwanag naman ng United Broilers Raisers Association (UBRA), tumaas na rin kasi ng presyo ng manok sa mga poultry farms na nasa 125 hanggang 130 pesos kada kilo.

Ngunit ayon sa UBRA, pansamantala lamang ito bunsod ng pagkasira ng ilang poultry farms dahil sa Bagyong Karding at inaasahang bababa sa susunod na linggo.

Sa kabila nito, hindi pa rin isinasantabi ang paggalaw ulit ng presyo nito dahil sa naka-ambang pagmahal ng patuka o feeds.

Facebook Comments