Asahan na ang paggalaw sa presyo ng mga bilihin bunsod ng patuloy na oil price hike.
Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Sec. Ramon Lopez, may epekto talaga ang tuloy-tuloy na pagtaas sa presyo ng langis dahil tumataas din ang production cost ng mga producer at manufacturer.
Pero sa ngayon aniya ay wala pa silang natatanggap na request para magtaas ng suggested retail price (SRP) sa mga produkto.
Kabilang sa mga posibleng makitaan ng pagtaas ay ang presyo ng isda, karne at iba pang bilihin.
Umaasa naman si Lopez na hindi na lumala pa ang tensyon sa pagitan ng Russia at Ukraine dahil posible rin itong makaapekto sa pandaigdigang merkado.
Facebook Comments