PRESYO NG MGA BILOG NA PRUTAS, TUMAAS

Ilang araw bago ang pagsalubong sa bagong taon, presyo ng mga bilog na prutas, tumaas na sa ilang pamilihan partikular na sa lungsod ng Cauayan.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan kay Ginang Rovelyn Cauilan, dumoble ang presyo ng ibinabagsak sa kanilang assorted fruits na mula pa sa Maynila.

Naglalaro umano sa P200-300 ang itinaas per box ng nasabing assorted na mga prutas.

Bilang resulta, nagkakahalaga na ngayon ng nasa P50-60 ang kiat kiat; habang P25 naman kada-piraso ang mansanas at peras.

Ayon kay Ginang Cauilan, hindi pa nito tiyak kung magkakaroon pa ng posibleng pag-galaw sa presyo ng mga bilog na prutas.

Sa ngayon ay paisa-isa palamang at matumal pa ang bentahan ng mga prutas sa merkado bagaman ilang araw na lamang ay bagong taon na.

Ngunit inaasahan na sa pagsapit ng bisperas ng bagong taon ay daragsa ang mga last-minute shoppers para kumpletuhin ang tradisyonal na 12-fruits na ihahain para sa Media Noche.

Facebook Comments