Presyo ng mga bulaklak sa Dangwa, tumaas na ilang araw bago ang Valentine’s Day

Tumaas na ang presyo ng mga bulalak sa Dangwa Flower Market sa lungsod ng Maynila, ilang araw bago ang Valentine’s Day.

Ang kada piraso ng rosas na noon ay nasa P25.00 ay mabibili na sa halagang P50.00 hanggang P100.00.

Ang isang bouquet naman ng rosas ay nasa P1,200.00 hanggang P2, 000.00 depende sa disenyo.


Ang presyo naman ng ibang bulaklak tulad ng:
Sunflower – P100 – P200 kada piraso
Stargazer – P150 – P200 kada piraso
Carnation – P200 – P300 ang isang bundle
Malaysian Mumps – P300 – P500 ang isang bundle
Tulips – P120 – P150 kada piraso
Ecuado­rian Rose – P150 – P200 kada piraso
Chocolate Design – P50 kada piraso habang ang isang bouquet ay aabot ng P1, 000 hanggang P1,500 depende sa kasamang bulaklak at disenyo
Teddy Bears – P280 hanggang P1, 000 pero depende rin sa mga bulaklak na kasama, disenyo at sukat.

Kaniya- kaniya naman ng diskarte ang mga nagtitinda ng bulaklak kung saan ang karamihan sa kanila ay nagbebenta via online dahil ang ilan sa mga mamimili ay takot lumabas dahil na rin sa banta ng COVID-19.

Umaasa ang mga may-ari ng tindahan ng bulaklak na makababawi sila sa kita ngayong Valentine’s Day kahit na may pandemya lalo na’t nitong nagdaang okasyon noong buwan ng Nobyembre at Disyembre ay bahagya silang nalugi dahil sa ipinatutupad na community quarantine ng pamahalaan.

Facebook Comments