Presyo ng mga karneng baboy, inaasahang tuloy-tuloy na ang pagbaba dahil sa pagdating ng pork imports

Inaasahang bababa na ang presyo ng mga karneng baboy sa susunod na apat na linggo.

ito ang sinabi ni Philippine Association of Meat Processors Inc., Vice President Jerome Ong sa interview ng RMN Manila sa gitna ng pagdating ng mga pork import na may mas mababang taripa.

Ayon kay Ong, magandang balita ito para sa consumers lalo na’t umabot pa noon sa P400 ang kada kilo ng karneng baboy sa mga pamilihan na malaking halaga na para sa mga kumikita ng minimum wage.


Bukod sa state of calamity, nilagdaan na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na layong taasan ang Minimum Access Volume (MAV) sa pork imports.

Ito ay tugon ng gobyerno sa nagpapatuloy na banta ng African Swine Fever (ASF) na nagdulot na ng kakulangan sa supply ng mga karneng baboy sa bansa.

Facebook Comments