Manial, Philippines – Tumaas ang presyo ng maraming produkto.
Ito’y dahil sa paghina ng piso kontra dolyar.
Kabilang na rito ang ilang klase ng delatang pagkain, condensed at evaporated drink, patis at soy sauce, sabong panlaba, at bottled water.
Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Usec. Ted Pascua – tumaas ang mga presyo nito lalo na kung ang mga sangkap ay imported.
Babala naman ng supermarket owners, posibleng lalo pang magmahal ang presyo ng bilihin habang papalapit ang pasko.
Maaari ring tumaas ang presyo ng bilihin sa oras na maisabatas ang bagong excise tax na makakaapekto rin sa singil sa pagbiyahe ng mga produkto at singil sa kuryente.
Facebook Comments