Presyo ng mga produktong petrolyo, tataas sa Martes

Manila, Philippines – Matapos ang rollback, dagdag-singil naman sa presyo ng mga produktong petrolyo ang sasalubong sa mga motorista sa darating na Linggo.

Sa abiso, maglalaro sa P0.95 hanggang P1.05 ang taas sa kada litro ng gasolina habang P0.55 hanggang P0.65 naman sa diesel.

Pati ang kerosene ay tataas din ng P0.80 hanggang P0.90 sa bawat litro.


Ang oil price adjustment ay kadalasang ipinatutupad sa araw ng Martes.

Itinuturo namang dahilan ng oil price hike ang anunsyo ng Saudi Arabia na magbabawas sila ng produksyon ng langis na aabot sa 400,000 bariles kada araw at ang tensyon sa Venezuela.

Facebook Comments