Presyo ng noodles, karne, manok posibleng tumaas dahil sa Ukraine at Russia crisis

Posibleng tumaas din ang presyo ng noodles, karne, at manok sa gitna ng nangyayaring krisis sa pagitan ng Ukraine at Russia.

Ayon kay dating Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia, bukod sa tinapay ay apektado rin ang mga naturang produkto at poultry dahil ginagamit din ang trigo sa animal feeds.

Aniya, ito ay sa gitna rin ng inaasahang pagtaas ng presyo sa trigo na ini-import pa ng Pilipinas.


Sinabi rin ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion, na magiging malaking problema ito dahil posibleng hindi kayanin ng publiko ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin kung kaya’t ito ang magiging dahilan para luwagan ang alert levels sa bansa.

Sa ganitong paraan aniya ay lalakas ang kakayahan ng publiko para sa kanilang pangangailangan.

Samantala, inaasahan ding papalo ang presyo ng LPG sa P10 hanggang P15 sa kada kilo kung saan lagpas sa P100 ang madadag sa 11 kilograms na tangke ng LPG na naglalaro sa P793 hanggang P1,053.

Facebook Comments