Mga Pilipino sa Russia, pinayuhan na huwag sumama sa mga kilos-protesta

Pinaalalahanan ng Philippine Embassy sa Russia ang mga Pilipino sa Moscow na huwag sumali sa mga kilos-protesta doon.

Ayon sa embahada, dapat alalahanin ng mga Pilipino ang kanilang personal na seguridad at iwasan ang magshare at magpost tungkol sa nagyayaring tensyon dahil mahigpit itong ipinagbabawal ng Russian government.

Inabisuhan ang mga Pinoy na umiwas sa mga matataong lugar, sundin ang mga alintuntunin sa Russia at iwasan ang pagbiyahe sa timog at timog-kanlurang bahagi ng bansa lalo na sa mga lugar na malapit sa border ng Ukraine.


Samantala, tiniyak naman ng embahada ng Pilipinas na walang agarang panganib o banta sa mga Pilipinong nasa Russia.

Facebook Comments