Presyo ng oil products, magpapatuloy sa pagtaas sa mga susunod na buwan

Manila, Philippines – Magpapatuloy hanggang sa mga susunod na buwan ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Ayon kay DOE – Oil Industry Management Bureau OIC Director Melot Obillo, ito ay kasunod ng deklarasyon ng OPEC o Organization of Petroleum Exporting Countries na palalawigin pa nila ang kanilang oil production freeze sa susunod na siyam na buwan.

Nangangahulugan ito na sa March 2018 pa magtatapos ang oil production freeze ng OPEC.


Ayon kay Obillo, nakadagdag din sa dahilan ng patuloy na oil price hike ang pagsisimula ng Summer sa Amerika kung saan tataas ang konsumo ng langis sa US.

Ngayong araw, muling tumaas ng 45 to 80 centavos kada litro ang presyo ng mga produktong petrolyo.
DZXL558, Joyce Adra

Facebook Comments