Dagupan City – Bukas araw ng linggo ay gugunitain ng mga katolikong kristiyano ang linggo ng palaspas o palm sunday. Ito ay parte ng paggunita ng semana santa kung saan inaalala ng mga nananampalataya ang araw kung saan sakay ng asno ang Panginoong Hesus papasok sa Herusalem at sinalubong siya ng mga mamayan nito bilang tagapagligtas at hari.
Mahalaga sa mga mananampalataya ang nasabing araw dahil sa sinisimbolo nito sa paggunita ng pagpapakasakit, pagkamatay, at pagkabuhay ng Panginoon.
Samantala sa lungsod ng Dagupan maging sa ibang mga pangunahing simbahan sa lalawigan dagsa na ang mga nagbebenta ng mga palaspas para bukas. Nagkakahalaga ito ng 10 hanggang 20 depende sa laki. Sa ngayon medyo matumal pa ang bentahan ngunit inaasahan na ng mga nagtitinda na mauubos ito pagdating ng madaling araw hanggang sa patapos ang selebrasyon.
Presyo ng Palaspas Alamin!
Facebook Comments