Aasahan ang pagtaas ng presyo ng palay at gulay sa merkado dahil sa naging epekto ng Bagyong Karding.
Ito ang inihayag ni Usec. Domingo Panganiban ng Department of Agriculture (DA) sa Laging Handa briefing.
Aniya, pinadapa ng Bagyong Karding ang mga pananim na palay at maging gulay lalo na ang mga pananim sa Nueva Ecija, Tarlac, Pampanga, Bulacan at Quezon.
Kaya naman ayon kay Domingo, aasahan na 15 hanggang 20 porsyento ang itataas ng presyo ng palay at gulay sa mga palengke.
Sinabi pa ni Domingo, umabot sa ₱2.02 billion ang halagang ng pinsala ng Bagong Karding sa sector ng agrikultura.
Sa palay aniya ay umabot sa ₱1.66 billion ang pinsala, sa mais ay ₱3.6 billion, high value crops na umabot sa ₱271 million, livestock at poultry na nasa ₱7.5 million at sa fisheries umabot sa ₱43 million ang napinsala.