Manila, Philippines – Bumaba pa ang presyo ng palay habang papasok ang panahon ng anihan na sinabayan pa ng pagdagsa ng mga imported na bigas.
Sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) – umabot lang sa P19.79 ang farmgate price ng kada kilo ng palay.
Mas mababa ito ng 3.13 percent kumpara sa kahalintulad na panahon noong 2018.
Gayunman, tumaas ng 0.07 percent ang halaga ng kada kilo ng well-milled rice kumpara noong nakalipas na linggo sa P45.11.
Bahagya rin namang bumaba ang presyo ng regular milled-rice sa P41.43 per kilo.
Ayon sa PSA – naka-apekto sa bentahan ng palay ang pagpapalakas ng rice importation National Food Authority (NFA) sa ilalim ng rice tariffication measure ng gobyerno.
Nauna nang nagpahayag ng pangamba ang ilang grupo ng mga magsasaka na posibleng malugi sila ngayong taon kapag hindi kinontrol ng gobyerno ang pagpasok ng imported rice sa bansa.