Asahan ang malaking oil price hike ngayong unang linggo ng 2022.
Simula bukas, January 4, ay magpapatupad ang ilang kompanya ng langis ng P1.90 hanggang P2 sa presyo ng gasolina habang P2.20 hanggang P2.30 naman sa kada litro ng diesel, at P1.80 hanggang P1.90 sa kerosene.
Ipapatupad ng Caltex ang taas-presyo epektibo mamayang alas-dose ng hatinggabi; habang ang Shell, Seaoil, Petro Gazz, at PTT Philippines naman ay bukas ng alas-sais ng umaga; at ang Cleanfuel ay alas-kwatro ng hapon.
Paliwanag ng mga oil firm, tumaas ang demand sa petrolyo kasunod ng pagkalat ng Omicron variant.
Samantala, wala namang pagtaas ng presyo sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity.
Facebook Comments