COMELEC, may panawagan sa mga kandidato tungkol premature campaigning

99

Nanawagan si Commission on Elections (COMELEC) Spokesperson James Jimenez sa mga kandidato na itigil muna ang pagsasagawa ng mga premature campaign activities sa ilalim ng Alert Level 3.

Ayon kay Jimenez, lilimitahan lamang sa 50% capacity ang mga political rallies gayundin ang passenger capacity limit sa mga saksakyan sa motorcades.

Idiniin din ng opisyal na habang hindi pa umiiral ang COMELEC campaign rules dahil hindi pa nagsisimula ang campaign period ay dapat sundin ang mga restriksyon sa ilalim ng Alert Level 3.


Matatandaang simula ngayong araw ay isinailalim sa Alert Level 3 ang Metro Manila hanggang Enero 15 dahil sa muling pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Facebook Comments