Presyo ng petrolyo sa bansa, pinaglalaruan lang ng malalaking oil company – PISTON

Bagama’t nagpapasalamat sa oil price rollback, hindi pa rin maalis ang pagkadismaya ng ilang transport group sa mataas pa ring presyo ng mga produktong petrolyo.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni PISTON National President Ka Mody Floranda na halatang pinaglalaruan lang ng malalaking kumpanya ng langis ang presyo ng petrolyo sa bansa.

Aniya, mas maliit pa rin ang halaga ng ipinatupad nilang rollback kung ikukumpara sa taas-presyo noong nakaraang linggo.


Nabatid na tumaas ng P4.20 ang presyo ng kada litro ng diesel at gasolina noong nakaraang linggo pero ngayong araw, P0.40 lang ang itinapyas presyo ng gasolina habang P3.10 sa diesel.

Sa kabila nito, wala umanong plano ang grupo na maghain ng petisyon para sa dagdag-pasahe sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board.

Pero apela nila, ibalik man lang ang P10 minimum na pasahe sa jeep.

Facebook Comments