Tataas na naman ang presyo ng petrolyo sa susunod na linggo.
Ayon sa Department of Energy, tataas ng singkwenta hanggang otsenta sentimos ang presyo ng kada litro ng gasolina.
Maglalaro naman sa trenta hanggang sisenta sentimos ang dagdag-presyo sa diesel habang bente hanggang kwarenta sentimos sa kerosene.
Ayon kay DOE – Oil Industry Management Bureau Director III Rodela Romero, ang panibagong oil price hike ay bunsod pa rin ng inaasahang pagtaas ng demand sa langis ng northern hemisphere countries dahil sa peak summer season sa third quarter ng taon.
Gayundin ang production cut ng OPEC at ang banta sa supply outlook ng drone attack ng Ukraine na tumama sa oil refineries ng Russia.
Facebook Comments