Friday, April 10, 2026

Presyo ng produktong petrolyo, hindi tiyak na agad bababa kapag natapos ang gulo sa Middle East

Walang katiyakan na agad bababa ang presyo ng langis sa oras na matapos ang kaguluhan o magkaroon ng ceasefire sa Gitnang Silangan, kahit pa nakakuha na ng clearance para sa ligtas na paglalayag sa Strait of Hormuz ang ating mga barkong magkakarga ng langis.

Sinabi ito ni Energy Secretary Sharon Garin sa pagdinig ng Legislative Energy Action Development Council (LEAD) o House Deca Tri Committee.

Paliwanag ni Garin, maraming global factors kaya hindi agad maibaba ang presyo ng produktong petrolyo, tulad ng mga nasirang oil infrastructure at tumaas na delivery costs.

Diin ni Garin, malaking bahagi ng suplay ng ating langis ay mula sa mga bansa o rehiyon na apektado ng tensyon.

Ang paliwanag ni Energy Secretary Sharon Garin sa pagdinig ng House Deca Tri Committee.

Facebook Comments