Presyo ng produktong petrolyo, nagbabadyang tumaas

Manila, Philippines – Asahan nang tataas ang presyo ng produktong petrolyo sa mga susunod na araw.

Sa ikaanim na sunod na linggo, tataas ang presyo ng kada litro ng gasolina na sa P0.25 hanggang P0.35.

Dahil dito, umabot na sa P2.45 ang itinaas na presyo ng gasolina simula noong July 25.


Tataas din ang presyo ng diesel ng P0.20 hanggang P0.30 kada litro habang P0.15 hanggang P0.20 naman sa kerosene.

Facebook Comments