Senador Leila de Lima, umaasang makakalaya pa rin

*Manila, Philippines – Katarungan at kalayaan, *ito ang hiling ni Senador Leila de Lima na nagdiwang ng sa kanyang kaarawan kahapon.

Sa pahayag ni de Lima, sinabi niyang nais niyang makalaya hindi lamang sa hindi makatarungang pagkakakulong kundi maging sa mga kasinungalingan at mga paninira sa kanya.

Aniya, nais din niyang malinis ang kanyang pagkatao hindi lamang para sa sarili kundi para sa kanyang mga magulang, kapatid, anak at mga apo.


Muling iginiit ng senadora na siya ay inosente at sinabing hindi niya pinangarap na maging abogado at lingkod bayan para lamang sirain ang kanyang pangalan.

Sa huli, nagpasalamat si de Lima sa kanyang mga natatanggap na suporta.

Facebook Comments