![](https://i0.wp.com/rmn.ph/wp-content/uploads/2023/04/GASOLINA-2.webp?resize=696%2C392&ssl=1)
Tataas ngayong linggo ang presyo ng produktong petrolyo.
Batay sa pagtaya ng mga taga-indsutriya ng langis, maglalaro sa ₱1.30 hanggang ₱1.60 ang madadagdag sa kada litro ng gasolina.
Habang nasa ₱0.30 hanggang ₱0.50 naman ang posibleng itaas ng diesel at ₱0.20 hanggang ₱0.40 para sa kada litro ng kerosene.
Inaasahang ilalabas ang opisyal na anunsyo mula sa mga oil companies ngayong araw.
Facebook Comments