DOH, nakapagtala ng 305 na bagong kaso ng COVID-19

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 305 na bagong kaso ng COVID-19, pinakamataas sa nakalipas na 12 araw.

Dahil dito, umakyat pa sa 9,080 ang aktibong kaso ng sakit mula sa 9,021 na naitala noong Sabado.

Ito rin ang ikalimang magkasunod na araw na umakyat ang patuloy na nagpapagaling sa sakit.


Samanatala, nadagdagan naman ng anim na bagong nasawi at 228 bagong gumaling sa COVID-19 kahapon.

Facebook Comments