Ayon sa ilang fruit vendors, nagtaas sila ng presyo dahil sa matumal na benta ng kanilang mga produkto kaya’t kaliwa’t kanan na rin ang kanilang diskarte kung paano ibebenta ang kanilang paninda.
Ang ilan ay mas pinipiling maglako na lamang kaysa maghintay ng bibili sa kanilang pwesto at maiwasan ang pagkasira ng mga ito.
Diskarte naman ng ilan ang bagsak-presyo na ibebenta ang kanilang paninda lalo na kung malapit na itong masira.
Kwento pa nila,dati-rati ay sa loob lamang ng tatlong araw ay nakakaubos na sila pero ngayon ay inaabot sila ng isang linggo.
Para naman maipagpatuloy ang kanilang negosyo ay nangungutang na lang din sila sa mga Indian National para may maipandagdag lang sa kanilang puhunan.
Umaasa ang mga fruit vendors na matatapos din ang pandemya para manumbalik ang sigla sa kanilang negosyo.