Presyo ng Prutas sa Santiago City, Bahagyang Tumaas ngayong Papalapit ang Bagong Taon

46

*Cauayan City, Isabela*- Tumaas ng bahagya ang ilang presyo ng prutas sa pamilihang Lungsod ng Santiago at mga kalapit na bayan ngayong papalapit na ang pagsalubong sa bagong taon.

Ilan sa mga prutas na tumaas ng limang piso hanggang sampung piso ay mga mansananas, ubas, mandarin, star apple, mangosteen at ilang prutas na kalimitang binibili tuwing sasapit ang bagong taon.


Gayunman, dagsaan pa rin ang ilang mamimili upang bumili ng mga bilog na prutas na pinaniniwalaang swerte ito kahit na may pagtaas ang presyo.

Ayon sa ilang mamimili, kinakailangan ang 12 iba’t ibang klase ng prutas na may hatid umanong swerte habang ang ilan ay naghahanda ng kakanin o malagkit na sumisimbolo sa pagkakaisa at pagsasama-sama ng pamilya.

Inaasahan naman na magpapatuloy ang pagtaas ng presyo ng ilang pangunahing bilihan habang papalapit ang bagong taon.

Facebook Comments