Presyo ng puting sibuyas, posibleng bumaba!

Asahan na ang pagbaba ng presyo ng puting sibuyas sa mga pamilihan.

Ito ay kinumpirma ni Samahang Industriya Ng Agrikultura (SINAG) Chairman Rosendo So, kung saan sinabi nito na bababa ang presyo ng puting sibuyas sa oras na dumating na sa bansa ang mga inangkat nito.

Sa isang panayam, inihayag ni So na kaniyang iminungkahi sa isang pagpupulong kasama ang Department of Agriculture (DA) na kalahati lamang ng 3,700 metric tons ng sibuyas ang nakatakdang ipasok sa bansa.


Dagdag pa ni So, pinakamabilis na makukuha ng bansa ang suplay mula sa China.

Nabatid na umabot na sa P400 ang presyo ng kada kilo ng puting sibuyas sa mga pamilihan.

Sa kabila nito, tiniyak din ni So na sapat ang suplay ng mga pulang sibuyas sa mga cold storage.

Facebook Comments