Validity ng COVID-19 Vaccination Program Act, nais ng DOH na mapalawig

Hiniling sa Kongreso ng Department of Health (DOH) na palawigin ang validity ng COVID-19 Vaccination Program Act.

Ayon kay DOH Officer-in-Charge (OIC) Usec. Maria Rosario Vergeire, layon nito na maipagpatuloy ang mga hakbang ng pamahalaan sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.

Aniya, mapapawalang bisa ang mga probisyon ng batas sa sandaling matapos na sa susunod na buwan ang umiiral na state of calamity dahil sa COVID-19 pandemic.


Sakop ng batas ang emergency utilization ng COVID-19 vaccines, emergency procurements at ang mga hakbang para makontrol ang presyo ng ilang bilihin

Facebook Comments