Nagbabadyang umanong tumaas ang presyo ng sikat na puto Calasiao.
Ayon sa ilang tindera ng puto, sobra umano ang itinaas sa presyo ng asukal na isa sa main ingredients ng puto.
Saad naman ng Calasiao puto producers and vendors association, ito ay mistulang domino effect dahil sa inflation rate na nararanasan pati na rin sa presyo ng Petrolyo.
Samantala, magsasagawa muna ng pagpupulong ang ahensya ukol sa binabalak na taas presyo.
Sa ngayon, nasa 110 pesos kada kilo ang presyo ng plain puto habang ang mga flavored puto with cheese naman ay nasa 130 pesos kada kilo. | ifmnews
Facebook Comments