Magsasaka na may kasong Panggagahasa, Arestado

Cauayan City, Isabela- Nadakip ng mga awtoridad ang isang magsasaka dahil sa kinakaharap nitong kasong Panggagahasa.

Kinilala ang akusado na si Manuel Navarro, 57-anyos, may-asawa at residente ng Barangay Pugol, Lamut Ifugao.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PMAJ. Rogelio Natividad, hepe ng PNP Echague, naaresto si Navarro matapos isilbi ng mga awtoridad ang warrant of arrest laban sa kanya na inisyu ni Judge Nicasio Bautista III ng RTC Br. 24 Echague, Isabela na may petsang Pebrero 3, 2021.

Wala namang inirekomendang piyansa ang korte para sana sa pansamantalang kalayaan nito habang nananatili ito sa kustodiya ng pulisya.

Facebook Comments