Aasahang aabot nalang sa ₱85 kada kilo ng refined sugar ang mabibili sa mga groceries at supermarkets.
Ito ay kung aaprobahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pag-aangkat ng panibagong 440,000 metric tons ng refined sugar.
Sa Laging Handa public briefing sinabi ni Pablo Luis Azcona, board member at planters representative ng Sugar Regulatory Administration (SRA) na ASAP o as soon as possible ay gagawing importation kapag may go signal na mula sa presidente.
Paliwanag ni Azcona sa aangkating 440,000 metric tons ng refined sugar, 200,000 metric tons dito ay buffer stock habang ang 240,000 metric tons ay alokasyon para sa mga consumers.
Wala naman aniyang planong mag angkat ng raw sugar ang bansa dahil marami ang local production nito ng mga magsasaka sa bansa.
Batay sa ulat ng SRA as of November 2022, ang presyo ng retails price ng asukal sa mga groceries at supermarkets ay ₱86 kada kilo para sa raw sugar, ₱87 kada kilo para sa washed sugar at ₱106 kada kilo para sa refined sugar.