Posibleng mapababa pa ang presyo ng RT-PCR tests sa Pilipinas.
Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ito ay para mas maging abot-kaya at mag-access ng publiko ang RT-PCR tests.
Agad namang nagsumite ang Inter-Agency Task Force (IATF) ng bagong price cap para sa RT-PCR tests pero hindi na ito inilabas ng DOH.
Ang RT-PCR tests ay maituturing na “gold standard” para sa COVID-19 testing kung saan nasa P3,800 ang presyo nito sa mga pampublikong laboratoryo at P5,000 sa mga pribadong ospital.
Mula August 22 hanggang 28 ay nasa 67,000 testing outputs na ang naisagawa sa bansa, na mas mataas ng 20% sa 56,179 outputs noong unang araw ng Agosto.
Facebook Comments