
Inanunsyo ng Malacañang na walang magiging pagtaas sa presyo ng mga delatang sardinas.
Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nagkasundo ang Department of Trade and Industry (DTI) at Canned Sardines Association of the Philippines na hindi nila itataas ang presyo ng mga delata.
Mananatili sa 21 pesos ang suggested retail price bawat 155 grams na lata ng sardinas.
Samantala, sa usapin naman ng presyo ng manok at baboy, sinabi ni Castro na bagama’t may pagtaas talaga ay inaalam na ng Department of Agriculture (DA) kung magkano ang prevailing price ng mga ito sa ngayon.
May mga ulat din aniya ang Philippine Statistics Authority na may mga bilihin naman na bumababa ang presyo at hindi naman lahat ay nagmamahal.









