Posibleng tumaas ang presyo ng ilang brand ng sardinas sa mga susunod na buwan.
Ayon kay Trade Usec. Ruth Castelo sa ngayon pinag aaralan pa nila kung papayagan ang hirit na dagdag presyo.
Paliwanag ni Usec. Castelo nuong isang taon pa aniya humihiling ng taas presyo ang mga manufacturers dahil sa serye ng oil price hike at pagtaas ng cost of production.
Sa ngayon, isinasapinal pa ng DTI kung magkano ang papayagan nilang dagdag presyo sa sardinas saka-sakaling aprubahan ang nasabing price increase.
Samantala, epektibo sa susunod na linggo ang taas presyo ng ilang brand ng gatas patis toyo at suka.
Ayon sa DTI maglalaro sa 50sentimos hanggang piso ang dagdag singgil sa mga nabanggit na produkto.
Facebook Comments