Presyo ng school supplies sa Metro Manila, patuloy na tumataas

Patuloy ang pagtaas ng presyo ng school supplies sa ilang pamilihan sa Metro Manila, ilang linggo bago ang pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan.

Sa Divisoria, Maynila, naglalaro na sa P140 hanggang P150 ang spiral notebook mula sa dating P120, habang ang notebook na tahi naman ay umakyat sa P140, mula sa dating P130.

Nasa P85 naman na ang presyo ng isang box ng lapis mula sa P75, habang tumaas sa P75 ang presyo ng crayons, mula sa P65.


Naglalaro na rin sa P75 hanggang P85, ang presyo ng pencil case mula sa dating P50.

Ang presyo naman ng bondpaper ay pumalo na sa P160 hanggang P170 kada isang realm, mula sa dating P145, habang wala namang naging pagtaas sa presyo ng mga school bag.

Matatandaang nauna nang sinabi ni Trade Secretary Alfredo Pascual na target ng DTI na magpatupad ng panibagong suggested retail price (SRP) para sa mga school supplies.

Facebook Comments