Senator Cynthia Villar, nagpositibo sa COVID-19

55

Nagpositibo sa sakit na COVID-19 si Senator Cynthia Villar.

Sa sesyon ngayong hapon ay inanunsyo ni Senate President Juan Miguel Zubiri na positibo sa sakit ang senadora.

Sinabi ni Zubiri na hangad nila ang agarang paggaling at maayos na kalagayan ng senadora.


Nagbabala rin ang Senate president sa mga kasamahang senador na magdoble ingat sa panahon ngayon lalo’t mabilis na makahawa ngayon ang COVID-19.

Si Villar ang ikatlong senador na kumpirmadong nagkasakit ng COVID-19 mula pa noong nakaraang linggo.

Naunang nagpositibo sa sakit sina Senators Alan Peter Cayetano at Imee Marcos.



Samantala, ipinaabot naman ni Cayetano na maayos na ang kanyang kalagayan at tinatapos na lamang ang isang linggong quarantine.

Facebook Comments