PRESYO NG SIBUYAS, PATULOY ANG PAGSADSAD NG PRESYO

Patuloy ang pagsadsad ng presyo ng produktong sibuyas sa merkado.

Ayon sa datos ng Department of Agriculture Region 1, nasa 16 hanggang 41.18 percent na pagbaba ng presyuhan ng nasabing produkto sa mga pamilihan sa lalawigan ng Pangasinan.

Mula sa dating presyo nito nasa P180 per kilo, ang puting sibuyas ay nagkakahalaga lang ng P40-P50, samantalang ang pulang sibuyas naman ay P70 per kilo.


Ayon naman sa ilang mga tindera, gustuhin man nilang makapag-imbak, ay hindi nila ito magawa dahil na rin sa epekto ng init ng panahon na maaaring sumira sa mga sibuyas.

Ang ibang retailers, ay direkta nang bumibili sa mga magsasaka ng sibuyas dahil sa mas mababa ang presyo na kanilang inaalok.

Ayon naman sa grupo ng mga magsasaka, karamihan ng sibuyas sa bansa ay nagmumula sa mga probinsya ng Tarlac, Nueva Ecija, at Pangasinan.

Samantala, inaasahan pa ang pagsadsad ng presyo ng sibuyas sa peak ng anihan nito sa darating na buwan ng Marso at Abril. |ifmnews

Facebook Comments