GINANG SA UMINGAN, PATAY SA PAMAMARIL

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa naganap na pamamaril sa isang sisentay-dos anyos na ginang sa bayan ng Umingan.
Ang biktima ay kinilalang si Teresita Abesanes residente ng Brgy. Evangelista sa nasabing bayan.
Ayon sa imbestigasyon, nasa kanilang lugar ang biktima nang ito ay sundan ng mga suspek at nang nasa gate na ito ay dito na pinaulanan ng bala bago umalis sakay ng isang motor
Nagtamo ng mga tama ng bala ang biktima na agad namang naisugod sa pagamutan subalit idineklarang dead on arrival.

Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa posibleng motibo ng pamamaril at pagkakakilanlan ng mga suspek. |ifmnews
Facebook Comments