Araw-araw umano ang nagiging pagbaba ng presyo ng sibuyas sa bahagi ng Malimgas Public Market, ayon sa mga tindera.
Anila, humigit kumulang 60 pesos na ang naging pagsadsad ng pula at puting sibuyas sa loob lamang ng isang linggo.
Ang pulang sibuyas, mula sa PHP 200, bumaba ito ng PHP 140, samantalang ang puting sibuyas naman ay nasa PHP 80 na lang mula sa PHP 145 kada kilo nito.
Dahil dito, nagpapakawais ang mga tindera sa pagbili at hindi sila bumibili ng bultuhan.
Para naman sa mga mamimili, maigi umanong mag-imbak sila habang mababa pa ito.
Ayon naman sa grupong SINAG, dahil umano ito sa tuloy-tuloy na pag-aani ng sibuyas sa Bayambang gayundin sa probinsya ng Nueva Ecija.
Asahan pa umano ang pagbaba nito sa mga susunod na linggo.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments









