Tumaas pa ang presyo ng sibuyas sa ilang pamilihan sa Metro Manila.
Batay sa pinakahuling monitoring price ng Department of Agriculture (DA), nasa P280 ang presyo ng kada kilo ng pulang sibuyas sa mga palengke sa National Capital Region (NCR).
Pero sa Nepa Q-Mart sa Quezon City, pumapalo na sa P300 ang kada kilo ng pulang sibuyas, mula sa dating presyo nito na P280 pesos noong nakaraang linggo.
Habang umaabot na sa P400 hanggang P450 ang presyo ng kada kilo ng sibuyas sa mga ilang mga supermarket at grocery stores.
Pahirapan naman ang pagkakaroon ng puting sibuyas sa merkado dahil sa mababang suplay nito.
Samantala, nasa P300 na rin ang kada kilo ng sibuyas sa ilang pamilihan sa Zamboanga, Nueva Ecija, at Pangasinan dahil sa mataas na demand.
Facebook Comments