Reaksyon ni Maine Mendoza habang sakay ng roller coaster, patok sa netizens!

52

Good vibes ang hatid ng TV personality na si Maine Mendoza dahil sa magkaibang reaksyon nila ng kaniyang fiancé na si Arjo Atayde habang sakay ng roller coaster.

Sa video, makikita na napasigaw at napatawa pa nga si Arjo habang sakay ng ride, pero si Maine ay tila nabored at nagawa pang magtime check sa kanyang relo.

Kinaaliwan ng netizens at ng mga kapwa artista ang poker face na reaction na ito ni Maine, na kaparehong mood din niya habang nasa roller coaster sa Disney Paris.


Matatandaan na kamakailan lamang ay nag-travel sa Europa ang dalawa, kung saan binisita rin nila ang mga tampok na tourist spot doon tulad ng Eiffel Tower, Grand Palace of Versailles, at Amsterdam.

Facebook Comments