PRESYO NG SIBUYAS SA ILANG PAMILIHAN SA PANGASINAN, TUMAAS NG P80

Nakitaan ng pagtaas ang presyo ng sibuyas sa ilang pamilihang bayan ng Pangasinan. Sa Lingayen Public Market, Nasa 70 hanggang 80 pesos ang itinaas sa kada kilo ng naturang produkto.

Ayon sa ilang tindera, naubos na umano ka ang stocks nila ng sibuyas kung kaya’t mga sariwa o bagong ani ng sibuyas na ang kanilang itinitinda.

Ang inilalakong sibuyas ng mga ito umano ay maliliit kumpara noong huling ani.

Sa ngayon, naglalaro sa 170 hanggang 180 pesos ang kada kilo ng sibuyas mula sa dati nitong presyo na nasa 100 pesos kada kilo.

Samantala, Inihayag ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel na inaprubahan na nito ang pag-iimport ng bansa sa pula at putting sibuyas na inaasahang darating sa susunod na dalawang linggo. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments