LINGAYEN, PANGASINAN – Tumaas ng halos singkwenta pesos ang presyo ng sibuyas ngayong nalalapit ang selebrasyon ng kapaskuhan at bagong taon.
Saad ng Department of Agriculture Region 1, nataon kasi ngayon na planting season ng sibuyas at tumaas ang demand dito kaya naman kung dati ay nasa 90-100 pesos ito kada kilo ngayon mabibili ito ng 150-180 pesos kada kilo.
Tiniyak naman ng ahensya na kapag nag-umpisa ang harvesting season ay tiyak na bababang muli ang presyo ng sibuyas.
Sa ngayon, inaasahan ng mga mamimili ang magandang anihan ng mga onion growers upang matustusan ang demand ng masa at muling bumalik o mapababa ang presyo. | ifmnews
Facebook Comments