Pinangangambahang lalo pang magmamahal ang presyo ng tinapay sa mga susunod na araw.
Kasunod ito ng babala ng Philippine Association of Flour Millers na pagtaas pa ng presyo ng harina bunsod ng patuloy rin na pagsipa ng presyo ng wheat o trigo.
Sa kabila nito, tiniyak ng samahan ng flour millers na sapat ang suplay ng harina sa bansa.
Samantala, bukod sa tinapay, apektado rin ang iba pang produktong gawa sa harina gaya ng pasta, noodles, cake at pakain sa isda.
Facebook Comments