Piñol: Ilang opisina sa DA, i-downsize

62

Dapat na i-downsize ang ilang opisina sa ilalim ng Department of Agriculture (DA).

Ito ang mungkahi ni dating DA Secretary Manny Piñol makaraang ihayag ni President-elect Bongbong Marcos Jr., ang intensyon niyang i-restructure ang ahensya kapag pinamunuan na niya ito sa pagsisimula ng kanyang administrasyon.

Paliwanag ni Piñol, kailangang maisama ang ibang opisina sa ibang ahensya na may kapareho lang din namang functions.


Inihalimbawa rito ng dating kalihim ang National Irrigation Authority at Bureau of Soils and Water Management na may parehong trabaho pagdating sa irigasyon.

Samantala, bukod sa pag-restructure sa DA, target din ng Marcos administration pataasin ang food production sa bansa upang tugunan ang pagsipa ng presyo ng pagkain at ang nakaambang food crisis.

Facebook Comments